MALYETE
Sabay-sabay nating kitilin ang madugong bakbakan.
Kapayapaan...Pagkakaisa tanging sigaw ng bayan. Isang pagbubuklod na hinahangad ng
sinuman. Ilan sa layunin na kung daraan ay pahapyaw man lamang.
Tanawin natin ang muling pagsikat ng araw. Abutin natin ang tala ng kapayapaan. Kamtin ang bahagharing noon pa'y pinagmamasdan at pinapangarap lamang.
Sumabay sa agos ng kapayapaan at katahimikang na kay sarap tamuhin maging sa huling hininga .
Panaghoy na patangis, alingawngaw ng putukan at mga boses na paus na paos na sa kasisigaw ng kapayapaangmatagal ng pinagkait ng tadhana.
Baon sa dibdib na mga bombahan. Mumunting boses ay di pinakinggan. Nagsusumamong mga anghel ay di pinatawad. Kumukulong sikmura ay di nilamanan.
Mga taong pantay na ang paa at naliligo pa sa sariling dugo.
Kaya isang tanong ang tumusok sa aking damdamin.
Pilipino laban sa Pilipino?
Magkakulay laban sa magkakulay?
Ito na ba ang bagong imahe ng ating bansa?
Di natin namamalayan na 22 araw na dusa, pasakit at hinagpis ang ating nalagpasan. Sana nga ay tuluy-tuloy na ang kapayapaan.
Pagkakaisa yan' ang tunay na kapayapaan. Isang walang hanggang paghiyaw ang aking ikakampanya.
Sariwa pa sa aking murang isipan, nang minsan ay nasilayan kong tumangis ang ating mga kababayan. Puspos ng awa ang aking nadarama. Sandaling kumurot ito sa aking malambot na puso.
Ipinapangako ko sa aking bayan na muli kong itatayo ang bandilang minsan nang bumulusok at nadapa.
Muli kong ipipinta ang puti, dilaw, asul at pula na kahanay sa watawat na naglipas na.
Taas noo kong ipagmamalaki ang lupang aking kinakanlungan at lupalop kung saan ako babawian ng hininga.
Itataas ko ang bantayog ng tatak Pilipino.
Ibagsak na natin ang malyete bilang hudyat na tapos na ang naghihikahos na giyera.
Sabay-sabay nating kitilin ang madugong bakbakan.
#